Groundbreaking para sa Mega Manila Subway, itinakda sa Disyembre
Itinakda sa Disyembre ang groundbreaking para sa Mega Manila Subway.
Sa isang press briefing kahapon, sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na sisimulan na rin sa 2019 ang konstruksyon para sa naturang proyekto.
Mas maaga ito sa itinakdang simula ng konstruksyon sa 2020.
Operational na umano ang unang tatlong istasyon ng subway sa 2022.
Nagkakahalaga ang proyektong ito ng P227 bilyon na popondohan ng Japan.
Ang subway ay mula Mindanao Avenue sa Quezon City hanggang sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay.
Ang proyekto ito ay isa sa highlights ng Build, Build, Build program ng administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.