2 pang suspek sa pambabato sa Bulacan na ikinasawi ng isang ginang, hawak na ng pulis

By Justinne Punsalang November 01, 2018 - 04:32 AM

Nasa kustodiya na ng Hagonoy Municipal Police ang karagdagang dalawang mga suspek sa insidente ng pambabato na ikinasawi ng isang babae.

Nakilala ang naarestong suspek na si Albert Martin, 22 taong gulang, habang ang isang 16 na taong binatilyo ay kusang sumuko sa mga otoridad.

Matatandaang noong Linggo, October 28, bandang alas-2 ng madaling araw nang mangyari ang insidente ng pambabato.

Ayon sa mga kasama ng nasawing biktimang si Malou Victorio, pinagtripan umano sila ng grupo ng mga kabataan.

Ngunit giit ng mga suspek, naunang nanuntok ang kampo ni Victorio matapos magkagitgitan ang kanilang mga sasakyan sa Barangay San Agustin sa Hagonoy.

Sa kabuuan, walong suspek na ang hawak ng mga pulis habang nagpapatuloy ang imbestigasyon tungkol sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.