Puntod ni FPJ dinadalaw pa rin; libingan ng mga sundalo, walang bisita

Kuha ni Justinne Punsalang

Hindi alintana ng mga taga-hanga ni Da King Fernando Poe, Jr. ang oras dahil kahit madaling araw ay mayroon pa ring bumibisita sa kanyang puntod sa loob ng Manila North Cemetery.

Puno ng mga bulaklak ang musoleo ng pamilya Poe na mula sa mga kaibigan, kamag-anak, maging sa mga fans ng yumaong Da King.

Sa labas ng musoleo ay mayroong mga bumisita na nag-alay ng panalangin, habang ang iba ay kumuha ng mga litrato dito.

Nag-alay naman ng mga bulaklak si Manila Mayor Joseph Estrada sa mga nakalibing na kilalang personalidad sa Manila North Cemetery kagaya nina dating Pangulong Ramon Magsaysay at Manuel Roxas, aktor na si Pancho Villa, maging mga dating alkalde ng Maynila, at iba pa.

Ngunit kapansin-pansin na kahit pailaw ay wala sa lugar na inilaan para sa mga nasawing miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga namatay na hanay ng Manila Police District (MPD).

Read more...