M3.1 na lindol, naitala sa Davao Occidental
By Rhommel Balasbas November 01, 2018 - 02:09 AM
Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental ala-1:47 madaling araw ng Huwebes.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 118 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.
May lalim ang pagyanig na 15 kilometro.
Tectonic ang dahilan nito at hindi naman nakapagtala ng aftershocks.
Wala ring inaasahang pinsala sa mga ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.