Sitwasyon sa Manila North Cemetery payapa pa rin

By Justinne Punsalang November 01, 2018 - 01:54 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Simula alas-7 ng umaga kahapon, October 31, hanggang ngayong madaling araw ay nananatiling maayos ang sitwasyon sa loob ng Manila North Cemetery.

Ayon sa mga nagbabantay na elemento ng Manila Police District – Sta. Cruz Station sa nabanggit na sementeryo, hanggang kaninang alas-12 ng hatinggabi ay nasa 61,192 na ang kabuuang bilang ng mga taong bumisita.

Habang as of 12mn, nasa 3,342 ang tinatayang bilang ng mga tao na nasa loob ng Manila North Cemetery.

Wala pa rin silang naitatalang nagtanggang magpasok ng ipinagbabawal na gamot, ngunit nasa 80 na ang kanilang nakumpiskang mga patalim at 280 kaha ng mga sigarilyo.

Nakumpiska rin nila ang 10 mga speakers dahil bawal mag-ingay sa loob ng sementeryo.

Hindi rin nakakuha ng mga nakalalasing na inumin ang pulisya mula sa mga pumapasok sa Manila North.

TAGS: #Undas2018, Manila North Cemetery, #Undas2018, Manila North Cemetery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.