Bentahan ng kandila at bulaklak matumal sa Manila North Cemetery

By Justinne Punsalang November 01, 2018 - 01:52 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Nananatili ang presyo ng mga bulaklak at kandila na ibinibenta sa labas ng Manila North Cemetery.

Ayon sa isang tindera, hindi pa rin kasi nagbababa ng presyo sa Dangwa, kaya naman hindi nila magawang bawasan ang halaga ng kanilang tinda.

Ngunit pagtitiyak nito, hindi naman na tataas pa ang bentahan nila ng mga bulaklak at kandila.

Ang maliit na boquet ay nagkakahalaga ng P100 kada tatlong piraso, habang ang mga naka-basket naman ay mula P100 hanggang P250 depende sa laki.

Para naman sa kandila, ang mga maliliit at vigil candles ay mabibili ng P20 kada tatlong piraso. Habang ang sperma naman ay naglalaro sa pagitan ng P100 hanggang P150 depende sa dami at laki.

TAGS: #Undas2018, Manila North Cemetery, #Undas2018, Manila North Cemetery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.