Manila South Cemetery nagmistulang tiangge
Hindi na halos makilala ang loob ng Manila South Cemetery dahil sa dami ng mga food stalls at iba pang tindahan ng mga gamit at damit na nakatayo sa loob ng sementeryo.
Bagaman pasado alas-11 na ng gabi ay mayroon pa ring ilang mga bumibisita sa loob ng nabanggit na sementeryo upang dumalaw sa kanilang mga mahal sa buhay.
Ayon kay SPO3 Joseph Arbis, as of 11PM, 6,117 ang kabuuang bilang ng mga taong nasa loob ng Manila South Cemetery.
Aniya, sa ngayon ay wala pa namang naitatalang anang untoward incident, bukod sa nahuling 19 na sachet ng marijuana kaninang hapon.
Wala pa ring nakukumpiskang anumang inuming nakalalasing ang mga pulis, ngunit punong-puno ang kanilang mesa ng mga kaha ng sigarilyo.
Bukod dito ay mayroon ding nakumpiskang mga baraha, gardening tools, mga flammable materials, at bladed weapons ang mga otoridad.
Ani Arbis, mayroong tag ang mga ito kaya naman maaaring kuhanin muli ng mga bumibisita ang mga kinumpiskang gamit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.