DBM, maglalabas ng pondo para sa quick response fund ng DSWD para sa mga nasalanta ng Bagyong Rosita at iba pang kalamidad

By Angellic Jordan October 31, 2018 - 11:07 PM

Maglalabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng kabuuang P662.5 milyon para sa quick response fund (QRF) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Rosita at iba pang kalamidad.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng DBM na ilalaan ang pondo sa disaster relief sa mga apektadong bahagi ng Northern Luzon.

Batay anila sa hiling ng DSWD, ang pondo ay ilalaan sa pagbili ng family food packs, mga isasagawang programa ng Disaster Risk Reduction Management *DRRM) at standby fund.

Ito na ang ikatlong beses na nagbigay ng pondo para sa QRF ng DSWD.

Ang QRF ay ginagamit para punan ang relief at rehabilitasyon sa oras ng kalamidad.

TAGS: Bagyong Rosita, DBM, dswd, Bagyong Rosita, DBM, dswd

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.