Supreme Court handa na sa gaganaping bar exam

By Angellic Jordan October 31, 2018 - 04:58 PM

Aabot sa halos 9,000 kandidato ang inaasahang kukuha ng 2018 Bar Examinations sa Nobyembre.

Sa anunsiyo ng Korte Suprema, kabuuang 8,701 na kandidato ang posibleng magbakasakaling makapasa sa naturang eksaminasyon.

Ayon sa SC, ito na ang pinakamataas na bilang ng mga bar exam takers kumpara sa mga nakalipas na taon.

Noong nakaraang taon, nakapagtala ng kabuuang 6,748 na law graduates ang kumuha ng exam at 1,724 sa mga ito ang nakapasa.

Gaganapin ang licensure exam sa November 4, 11, 18 at 25 sa University of Santo Tomas sa España, Maynila.

Magsisilbi namang bar exam committee chair ngayong taon si Associate Justice Mariano del Castillo.

TAGS: bar exam, justice mariano del castillo, licensure exam, UST, bar exam, justice mariano del castillo, licensure exam, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.