Pasok sa gobyerno sinuspinde na ng Malacañang

Hanggang alas-tres na lamang ng hapon ang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan ngayong araw.

Laman ng memorandum number 51 na nilagdaan ni Executive Sec. Salvador Medialdea ang kautusan para sa lahat ng mga tanggapan ng gobyerno sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Pero nilinaw ni Medialdea na hindi sakop ng inilabas na memo ang mga tauhan ng pamahalaan na nangangasiwa sa pagbibigay ng basic at health services, yung mga nasa rescue operations at ang mga nakatalaga sa mga vital installations ng gobyerno.

Layunin ng memorandum na bigyan ng pagkakataon ang mga empleyado sa gobyerno na makapaghanda para sa Undas.

Ipinauubaya naman ng Malacañang sa mga employers kung pauuwiin rin ng maaga ngayong araw ang mga nagta-trabaho sa mga pribadong kumpanya.

Read more...