Pang. Duterte balak bumisita sa Mountian Province na napruhan ng bagyong Rosita

PHOTO: MPSDEO DPWH

Ikinakasa na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbisita bukas sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Rosita.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, target ng pangulo na mapuntahan ang gusali ng DPWH sa Natonin, Mountain Province kung saan may mga natabunan sa pagguho ng lupa.

Ayon kay Panelo 12 pinuno ng ahensiya ang gustong makasama sa pagpunta sa Mountain Province.

Nais kasi aniya ng pangulo na personal na malaman ang lawak ng pinsala ng bagyo.

 

Read more...