Alaala ng bagyong Yolanda muling nanumbalik sa mga residente ng Tacloban City

By Isa Avendaño-Umali November 07, 2015 - 05:45 PM

Tacloban2
Kuha ni Isa A. Umali

Nagpahayag ng kalungkutan si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez dahil patuloy pa rin ang mga natutuklasang mga bangkay dalawang taon makaraang durugin ng bagyong Yolanda ang malaking bahagi ng bansa partikular na ang Tacloban City.

Ayon kay Romualdez, ang mga bagong bangkay na nakikita ay “reminder” o paalala ng masakit na trahedya na naranasan ng kanyang mga kababayan sa lungsod.

Nasa anim na bangkay ang natagpuan sa likod ng San Jose National High School, Sabado ng umaga, habang naghahanap ng mga kahoy ang isang residente sa lugar.

Batay naman sa Office of the Civil Defense, ang opisyal na bilang na ginagamit nila ay ang June 2014 death toll na 5,894 sa Region 8 habang 1500 ang nawawala.

Pero sinabi ni Romualdez na sa Tacloban pa lamang ay tiyak na mas marami pa ang fatalities.

Umapela na lamang si Romualdez sa national government na ituloy ang mga proyekto para sa mga survivors ng kalamidad at para ganap na maka move-on na ang mga ito

Dagdag ni Romualdez, sa kabila ng pait na dulot ng Yolanda may positive side naman gaya ng nabawasan ang pagtuturuan at namayani ang pagkakaisa ng mga taga-Tacloban City.

Samantala, inalayan ng dasal at pinabendisyunan ang mga bagong tuklas na bangkay at ang seremonya ay pinangunahan ni Father Robert Reyes.

TAGS: Romualdez, Tacloban City, yolanda, Romualdez, Tacloban City, yolanda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.