Pang. Duterte inatasan ang PNP na mahigpit na ipatupad ang regulasyon sa paputok

By Dona Dominguez-Cargullo October 31, 2018 - 12:19 PM

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na mahigpit na ipatupad ang polisiya na naglalatag ng regulasyon sa mga paputok.

Sa memorandum order number 31 na nilagdaan ng pangulo, inatasan ang PNP na striktong ipatupad ang umiiral na batas, alituntunin at regulasyon sa pagbebenta, paggawa, pagpapakalat at paggamit ng firecrackers at pyrotechnic devices.

Nakasaad sa memorandum na sa ilalim ng Republic Act 7183, nakasaad ang listahan ng mga paputok at pyrotechnic devices na pinapayagang gamitin.

Naroroon din ang regulasyon sa paggawa, pagbenta, at paggamit ng mga paputok.

Sinabi sa memorandum na ang PNP ang pangunahing responsable sa pagpapatupad ng naturang batas.

Dapat ding sundin ng PNP ang nakasaad sa batas na nagbibigay kapangyarihan sa kanila na magproseso ng aplikasyon para sa lisensya at permit sa paggawa at pagbebenta ng paputok.

Inatasan ng pangulo ang PNP na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at mga concerned agencies sa pagsasagawa ng inspeksyon sa mga pagawaan at bentahan ng paputok para malaman kung sumusunod ba sila sa polisiya.

Kumpiskahin at wasakin ang mga bawal na paputok na makikita sa merkado.

Kanselahin ang lisensya at permit ng mga lumalabag na negosyante ng paputok.

Tiyaking naipatutupad ang pagbabawal sa mga menor de edad na bumili at gumamit ng paputok.

TAGS: Firecrackers, memorandum 31, pyrotechnic, Firecrackers, memorandum 31, pyrotechnic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.