8 bangkay nahukay; 6 nailigtas sa natabunang gusali ng DPWH sa Mt. Province
Walong bangkay na ang narerecover ng mga otoridad sa nagpapatuloy na search and rescue operation sa natabunang gusali ng DPWH sa Mt. Province.
Ayon sa Mountain Province Second District Engineering Office (MPSDEO), walo na ang katawang nahukay ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa Natonin.
Ang mga ito ay kabilang sa 29 na katao na unang napaulat na natabunan sa nasabing gusali.
Dalawa sa mga nasawi ay nakilalang sina Jeffrey Nagawa Salang-ey at Benito Falangkad Longad habang ang iba ay hindi pa nakikilala.
Habang ligtas namang nahukay ang mga nakilalang sina Joventino Lamawen, Innocencio Gollingay, Fritz Gerald Lumpanga, Jupiter Gaawan, isang Junjun at isang Machanum.
Patuloy ang search and rescue operations ng mga otoridad sa iba pang mga natabunan sa nasabing gusali.
Dahil dito, as of alas 12:00 ng tanghali ng Miyerkules, Oct. 31 umabot na sa 13 ang nasawi sa Cordillera Administrative Region dahil sa bagyong Rosita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.