Bagyong Rosita humina pa, naghahatid pa din ng pag-ulan sa Northern at Central Luzon

Lalo pang humina ang severe tropical storm Rosita habang ito ay nasa karagatan ng bansa.

Ang bagyo ay huling namataan sa 265 kilometers West ng Sinait, Ilocos Norte.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong North Northwest.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 90 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.

Mamayang hapon inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.

Sa ngayon naghahatid pa rin ito ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Northern at Central Luzon.

Read more...