13 patay sa CAR dahil sa bagyong Rosita

Landslide sa Natonin, Mt. Province | CREDIT: MPSDEO DPWH

Labingtatlo na ang naitalang patay sa Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa pananalasa ng bagyong Rosita.

Sa datos ng Police Regional Office – CAR, 8 na ang nasawi sa Mt. Province, 4 sa Ifugao at 1 sa Kalinga.

Sa Ifugao, ang apat na nasawi ay ang mag-aamang may apiliyidong ‘Pinay’ matapos matabunan ng landslide ang kanilang bahay.

Ang apat naman ang nasawi sa Mt. Province ay pawang natabunan sa landslide sa DPWH building sa Natonin.

Dalawa sa nasawi sa Natonin ay nakilalang sina Jeffrey Nagawa Salang-ey at Benito Falangkad Longad habang ang iba ay hindi pa nakikilala.

Patuloy ang search and rescue operations ng mga otoridad sa mga natabunan sa nasabing gusali.

Sa Kalinga nasawi ang 5-taong gulang na bata na si Enrich Jane Guiwagiw Salo matapos matabunan ng putik sa Barangay Mabilong bayan ng Lubuagan.

Sa Abra naman, iniulat na wawala ang 58 anyos na si Vedancio Villaruz makaraang malunod.

Read more...