Bentahan ng bawal na droga sa MPD jail ibinuking ng preso; 2 suspek arestado

By Ricky Brozas October 31, 2018 - 10:08 AM

Arestado ang dalawang bilanggo na sangkot sa pagtutulak ng bawal na droga sa loob ng piitan ng station 11 ng Manila Police District.

Kinilala ang mga suspek na sina Albert Nicdao Puripocasyon at Reneboy Atanacio na kapwa miyembro ng Sputnik Gang.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang bisita ng inmate na si Rene Boy na nakilalang si Albert ang magdadala ng shabu sa loob ng piitan.

Pagpasok ng suspek na si Albert sa loob ng piitan ay kitang-kita ng mga kagawad ng pulisya ang palihim na pag-aabot nito ng shabu kay Rene Boy.

Ang dalawa ay agad na inaresto, nakuha sa kanilang pag-iingat ang ilang plastic sachet ng hinihinalang bawal na droga.

TAGS: jail, MPD, Radyo Inquirer, War on drugs, jail, MPD, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.