Mahigit 100 OFWs na stranded sa Jeddah pinagkalooban ng food packs

By Dona Dominguez-Cargullo October 31, 2018 - 09:46 AM

DFA Photo

Nagtulung-tulong ang mga tauhan ng konsulada ng Pilipinas at Filipino Community para mapakain ang mga stranded na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Jeddah.

Isinagawa ang “Serbisyo Caravan” sa mga Pinoy na nawalan ng trabaho matapos dahil sa involuntary separation at pagsasara ng kumpanya.

Nananatili sa accommodation na ibinigay ng kumpanya ang mga Pinoy gayunman, wala na silang pambili ng makakain.

Hinihintay nila ang resulta ng settlement para sa hindi pa naibibigay na sweldo at iba pang financial benefits bago sila umuwi ng Pilipinas.

Nasa 140 ang bilang mga distressed OFWs mula sa tatlong kumpanya sa Saudi.

Kabilang sa ipinagkaloob sa kanila ay mga food pack na may lamang de lata, noodles, kape, limang kilo ng bigas at mga bottled water.

TAGS: DFA, Jeddah Saudi Arabia, DFA, Jeddah Saudi Arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.