Pitong Pinoy seafarers na dinukot sa Nigeria, pinalaya na

MV Glarus | File Photo

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na napalaya na ang pitong Filipino seafarers na dinukot ng mga pirata sa Nigeria noong nakaraang buwan.

Ang balita sa paglaya ng pito ay ipinaabot ng Philippine Embassy sa Abuja kay Foreign Affairs Secretary Teodoro L. Locsin Jr.

Ang pitong Pinoy ay kabilang sa 12 crew members ng Swiss-owned vessel na MV Glarus na pinasok ng mga armadong lalaki noong Sept. 22.

Ayon kay Philippine Ambassador to Nigeria Shirley Ho-Vicario, lahat ng dinukot na crew members ay napalaya.

Ang mga Filipino seafarers ay nasa Zurich, Switzerland sa ngayon ay nakatakdang umuwi na ng Pilipinas.

Read more...