Lalaki nahulihan ng mga bala ng baril sa Araneta Center bus terminal

By Dona Dominguez-Cargullo October 31, 2018 - 09:31 AM

Araneta Center Bus Terminal | Radyo Inquirer File Photo

Arestado ang isang lalaking pasahero matapos makuhanan ng mga bala baril habang siya ay pasakay sa bus sa Araneta Center Bus Terminal.

Ilang piraso ng mga bala para sa M-16 rifle ang nakuha sa suspek na si Bryan Magasala.

Ayon kay Magasala na patungo sana ng Legazpi City, ang mga bala ay ginagamit para sa panggagamot.

Pero hindi umano niya alam kung paanong napunta sa bagahe niya ang mga ito.

Ayon naman kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, dinala sa Cubao police station si Magasala para sumailalim sa imbestigasyon.

Maari ding maharap ang suspek sa kasong illegal possession of ammunition.

Ang NCRPO ay nagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa mga terminal ng bus dahil marami ang bibiyahe ngayong Undas.

TAGS: araneta center, bus terminal, araneta center, bus terminal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.