Ilang lokal na pamahalaan nagdeklara na ng half-day ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo October 31, 2018 - 08:45 AM

Half-day na lang ang pasok sa ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ngayong araw, Oct. 31.

Sa abiso ng Quezon City Public Affairs Department, half-day lang ang pasok sa City Hall ngayon para mabigyang pagkakataon ang mga empleyado na makabiyahe para sa paggunita ng Undas.

Half-day na lang din ang pasok ng mga empleyado ng gobyerno sa Muntinlupa City.

Sa Maynila naman nauna nang nagdeklara ng suspensyon ng pasok sa gobyerno ngayong araw si Manila Mayor Joseph Estrada.

Habang sa mga korte sa buong bansa ay half-day l ang din ang pasok para sa mga bibiyaheng empleyado ng korte pauwi sa mga lugar kung saan sila bibisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

TAGS: half day, suspension of work, half day, suspension of work

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.