Appliances at droga kumpiskado sa raid sa bilibid

By Den Macaranas November 07, 2015 - 05:02 PM
New-Bilibid-Prison
Inquirer file photo

Kinumpiska ng mga tauhan ng New Bilibid Prisons ang ilang pirasong airconditioning units, refrigerators at flat screen TVs sa biglaang raid na ginawa sa loob ng Maximum Security Compound.

Pinamunuan nina NBP Superintendent Richard Swarzkopf Jr. at Bureau of Corrections Director Richard Cruz III ang pagsalakay sa loob ng bilangguan kasama ang halos ay 500 tauhan ng Bucor.

Kabilang sa mga nakumpiska ay ang malaking refrigerator, aircon at flat screen TV na pag-aari ni dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Pinilit pang bawiin ng nasabing alkalde ang naturang mga appliances dahil kailangan daw niya ang mga ito dahil sa kanyang sakit sa kidney.

Ipinakita rin ng dating opisyal ang kanyang medical certificate pero hindi siya pinagbigyan ng mga prison officials at kinuha rin ang kanyang mga kasangkapan.

Maliban sa mga appliances ng mga tinaguriang VIP o Very Important Prisoners, nakakumpiska rin ang mga otoridad ng ilang piraso ng mga patalim, homemade guns at iligal na droga.

Sinabi naman ni Cruz na magiging madalas na ang mga gagawing raids para malinis sa mga kontrabando ang loob ng bilibid.

TAGS: Bilibid, Muntinlupa, NBP, Raid, Bilibid, Muntinlupa, NBP, Raid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.