Publiko, pinag-iingat sa mga maglilipanang pekeng pari sa mga sementeryo
Pinag-ingat ng isang obispo ang publiko sa mga pekeng pari na magpapakalat-kalat sa mga sementeryo ngayong Undas na mag-aalok ng dasal at basbas sa mga puntod kapalit ng pera.
Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Episcopal Commission on the Laity Chairman Chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, naging istrikto na ang mga kaparian sa Maynila.
Anya, nagpaalala na ang mga pari ng Archdiocese of Manila na huwag tumanggap ng mga serbisyo mula sa mga pekeng pari.
Aminado naman ang obispo na mahirap para sa kanila na bantayan ang ganitong scam lalo na sa mga pampublikong sementeryo.
Dagdag pa ni Pabillo, kung may mag-alok ng dasal, pasalamatan lamang ang mga ito at bigyan lamang ng pagkain.
Mayroon anyang dala na celebrets o ‘letters of authority’ ang mga lehitimong pari.
Ito ay iginagawad mismo ng mga obispo sa mga pari na patunay na sila ay lehitimo at nagbibigay permiso rin na sila ay makapagmisa sa ibang diyosesis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.