Ama, tatlo niyang anak, patay sa landslide sa Banaue

By Dona Dominguez-Cargullo October 31, 2018 - 05:40 AM

Patay ang apat na mag-aama sa landslide na naganap sa Sitio Batad sa Banaue, Ifugao.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Ifugao, ang mga nasawi ay si Baltazar Pinnay, 48 anyos at mga anak niyang sina Rydbell, Rhezel at Rexibelle nae dad 8, 10 at 12.

Na-trap ang mag-aama sa landslide na tumabon sa kanilang bahay.

Nakaligtas naman ang ina at apat pang anak dahil nasa labas sila ng bahay nang mangyari ang pagguho ng lupa.

Ayon sa Ifugao PDRRMO, abala ang mga tauhan ng Banaue MDRRMC sa paglinis ng mga debris sa bahagi ng Kinakin-Ducligan Road at wala silang natanggap na ulat na may landslide na naganap sa Sitio Batad sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo dahil sa mahinang signal ng cellphone.

Alas 7:00 na umano ng gabi nang dumating sa kanila ang mensahe ng kapitan ng barangay na nagsabing natabunan nga ng lupa ang mag-aama.

TAGS: Ama, landslide sa Banaue, natrap, patay, tatlo niyang anak, tumabon sa kanilang bahay., Ama, landslide sa Banaue, natrap, patay, tatlo niyang anak, tumabon sa kanilang bahay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.