Number coding scheme suspendido mula ngayong araw hanggang November 5

Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme para sa paggunita ng Undas.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, ang suspensyon ng number coding ay mula ngayong araw October 31, hanggang Lunes, November 5.

Ang number coding scheme ay ipinatutupad sa mga sasakyan na dumadaan sa mga pangunahing kalsada depende sa huling numero ng plaka.

Sinabi naman ni Pialago na hindi kasama sa suspensyon ng scheme ang mga lungsod ng Makati at Las Piñas.

Read more...