3 patay matapos maipit ang higit 20 katao sa isang building sa Mountain Province

By Rhommel Balasbas October 31, 2018 - 02:53 AM

Tatlo ang nasawi matapos maipit ang nasa higit 20 katao sa loob ng isang building ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Natonin, Mountain Province.

Ayon sa ulat, naipit ang mga tao dahil sa landslide na kinumpirma na rin ng Office of Civil Defense- Cordillera Administrative Region (OCD-CAR).

Kabilang sa mga na-trap ay contractors ng DPWH, isang project engineer, security guards at ilang evacuees.

Pansamantalang ginawang temporary shelter ng mga evacuees ang naturang building.

Nangyari umano ang insidente sa pagitan ng alas-4:00 at alas-5:00 ng hapon.

Nahihirapan ang rescue teams na makarating sa lugar dahil na rin sa ilan pang insidente ng landslides ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ngayong araw ay susubukan ng OCD na makarating sa lugar sa pamamagitan ng choopers ng Air Force kasama ang rescue teams.

Ang mga pagguho ng lupa na ito ay bunsod ng patuloy na pag-ulan na dala ng Bagyong Rosita.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.