19 na Pinoy na inaresto sa Saudi, palalayain na

Pumayag na ang gobyerno ng Saudi Arabia na pakawalan ang 19 na overseas Filipino Workers (OFWs) na inaresto dahil sa pagdalo sa isang Halloween party sa Riyadh.

Kinumpirma ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) at sinabing ibibigay na sa kustodiya ng Philippine Embassy ang Pinoy workers.

Matatandaang inaresto ang mga ito noong Biyernes dahil ipinagbabawal sa naturang bansa ang mga pagtitipon sa publiko na may kaugnayan sa mga non-Islamic events.

Nakakulong ang mga OFWs sa Al Nisa Jail sa Riyadh.

Wala nang iba pang detalye na ibinigay ang DFA.

Muling nagpaalala ang kagawaran sa mga OFWs partikular sa mga nasa Middle East na maging ‘cultural sensitive’.

Read more...