4 na dams nagpakawala ng tubig dahil sa pananalasa ng Bagyong Rosita

By Rhommel Balasbas October 31, 2018 - 04:12 AM

Umabot sa apat na dams sa Luzon ang nagpakawala ng tubig matapos manalasa ang Bagyong Rosita.

Ayon kay PAGASA hydrologist Elmer Caringal, naglabas na ng tubig ang Ambuklao at Binga Dams sa Benguet at Magat Dam malapit sa Cagayan River.

Ani Caringal, naglabas ng 3.5 cubic meters ng tubig ang Ambuklao, 4.5 cubic meters ang Binga Dam at 5 cubic meters naman sa Magat Dam.

Ang San Roque Dam sa Pangasinan naman na sumasalo ng tubig mula sa mga naturang dam ay nagbukas na rin ng gates at naglabas ng 350 cubic meters ng tubig.

Sinabi naman ng PAGASA na hindi aapaw ang Agno River Basin ngunit pinapayuhan ang mga residente na making sa mga updates.

Sinalanta ng Bagyong Rosita ang halos kabuuan ng Northern at Central Luzon.

Inaasahan na itong lalabas ng bansa ngayong araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.