Aabot sa anim na bangkay ang natagpuan ngayong araw dito sa Tacloban City, dalawang taon makalipas ang Supertyphoon Yolanda.
Ang mga kalansay ay nakita sa likod ng San Jose National Highschool, sa Barangay 87 San Jose, na pawang natabunan ng mga kahoy.
Batay sa pahayag ni Kagawad Nelson Roselio, mayroong namumulot lamang ng kahoy nang makita ang mga kalansay.
Agad na ipinaalam ito sa Barangay Chairman ng lugar kaya naman naggalugad na rin sila sa iba pang lugar at nakita nga ang anim na bangkay.
Gayunman, dalawa lamang sa mga bangkay ay ang may ulo.
Nakabalot na sa body bag ang mga bangkay na isasalang sa forensic examinations.
Inaasahan na may mga bangkay pa ang makikita lalo’t marami pa ang pinaghahanap sa ibat-ibang lugar sa nasabing Baranggay.
Ang Tacloban City ang isa sa mga lugar sa Leyte na matinding sinalanta ng Supertyphoon Yolanda noong November 2013.