Makati City nagpatupad ng rerouting scheme para sa Undas

By Justinne Punsalang October 31, 2018 - 04:02 AM

Naglabas ng temporary traffic scheme ang lokal na pamahalaan ng Makati City para sa Undas.

Simula kaninang madaling araw hanggang November 2 ay sarado ang kahabaan ng South Avenue mula Metropolitan Street hanggang J.P. Rizal Street.

Nagpapatupad din ng rerouting para sa mga motorista kaugnay nito.

Inaabisuhan ang mga motorista na ang mga pupunta sa Ayala Avenue mula sa South Avenue ay kumaliwa sa Metropolitan Street, kanan sa Zapote Street o Pasong Tamo, patungo sa destinasyon.

Ang mga magmumula naman sa Jupiter Street ay kumaliwa sa Nicanor Garcia Street, kanan sa Buendia Avenue, at kanan sa Ayala Avenue Extenstion, bago kumaliwa sa Metropolitan Avenue.

Maaari ring dumaan ang mga motorista sa Kalayaan Avenue Extension, kaliwa sa Makati Avenue, kaliwa sa J.P. Rizal Street, patungo sa destinasyon.

Magpapatupad din ng one-side parking sa ilang mga kalye na malapit sa Manila South Cemetery.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.