PCOO Asec. Ana Marie Banaag nagpahayag ng kalungkutan sa trahedya sa Natonin, Mountain Province

By Rhommel Balasbas October 31, 2018 - 01:39 AM

Naghihinagpis si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Ana Marie Banaag sa trahedyang naganap sa Natonin, Mountain Province.

Dating alkalde ng naturang bayan si Banaag kung saan naganap ang isang landslide kahapon na nagdulot ng pagkaka-ipit na tinatayang higit sa 20 katao sa isang building ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kinumpirma na ng Office of the Civil Defense na tatlo na ang nasasawi sa trahedya.

Ipinahayag ni Banaag ang pakikiramay sa kanyang mga kababayan sa Natonin.

Anya, marami nang bagyo ang nanalasa sa kanilang bayan ngunit pinakamasakit ang kanilang naranasan sa Bagyong Rosita.

Ayon sa Palace official, posibleng bisitahin niya ang Natonin ngayong araw kasama ang Cordillera Regional Disaster Risk Reduction Management Council.

Hindi pa napapasok ng rescue teams ang building dahil hindi madaanan ang mga kalsada patungo sa lugar dahil din sa mga gumuhong lupa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.