Severe Tropical Storm Rosita napanatili ang lakas habang tinatahak ang West Philippine Sea

Napanatili ng Bagyong Rosita ang lakas nito habang tinatahak ang West Philippine Sea.

Sa 11pm weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 195 kilometro Kanluran-Hilagang-Kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.

Sa 8pm advisory pa lang ng PAGASA, ibinaba na sa ‘Severe Tropical Storm’ ang status ng bagyo mula sa pagiging isang ‘Typhoon’.

Taglay ng Bagyong Rosita ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 135 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Nakataas na lang ang Signal no. 1 sa:
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Benguet
– Zambales
– at Pangasinan

Patuloy na makararanas ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan ang western secion ng Northern at Central Luzon.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo bukas ng hapon o gabi.

Read more...