Gordon naalarma sa kaligtasan ni dating Customs executive Jimmy Guban
Posibleng hindi na matuloy ngayong gabi ang nakatakdang turnover sa Department of Justice ng dating Customs intelligence officer na si Jimmy Guban.
Ito ay kahit isinailalim na siyang kaninang hapon sa Witness Protection Program ng DOJ.
Sa panayam ng mga miyembro ng media, sinabi ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na may bagong development siyang nakuha kaya dapat tiyakin ang kaligtasan ng dating Customs executive.
Nauna nang pinatawan ng contemp citation ng Senado si Guban dahil sa umano’y hindi pagsasabi ng katotohanan sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga kaugnay sa sinasabing P11 Billion shabu smuggling sa BOC.
Sa pagdinig ng Senado kanina ay direktang inakusahan ni Guban ang kanyang dating boss na si Customs Intelligence & Investigation Services Director Jeoffrey Tacio na sangkot sa drug smuggling.
Sabit rin daw si Tacio sa pangongolekta ng P1,000 sa bawat container van na pumapasok sa BOC.
Mariin namang itinanggi ni Tacio ang mga pahayag sa pagsasabing sinisiraan lamang siya ni Guban dahil nasibak ito sa kanyang trabaho.
Bigo namang makarating sa pagdinig kanina sina dating Customs Comssioner Isidro Lapeña na dumalo sa naging turnover ceremony sa kanyang bagong posisyon sa Tesda.
Wala rin sa pagdinig si Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.