Mata ng Bagyong Rosita tumawid na sa lalawigan ng La Union

By Den Macaranas October 30, 2018 - 05:42 PM

Lalo pang humina ang Bagyong Rosita makaraan itong bumagtas sa lalawigan ng La Union ayon sa 5:00 pm weather advisory ng Pagasa.

Gayunman ay patuloy pa ring magpapa-ulan ang nasabing bagyo sa malaking bahagi ng mga lalawigan sa Northern Luzon.

Si “Rosita” ay huling namataan sa layong 125 kilometers Hilagang-Kanluran ng Dagupan City sa lalawigan ng Pangasinan.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 125 kph at pagbugso na umaabot naman sa 195 kilometro bawat oras.

Tinatahak niya ang direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras.

Sa kabila ng paghina ng bagyo ay nananatili pa rin ang banta ng storm surge sa karagatang sakop ng mga lalawigan ng Ilocos Sur, La Union at Pangasinan ayon sa Pagasa.

Kapag hindi nagbago ang kanyang direksyon ay inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo bukas ng tanghali.

Nakataas pa rin ang signal number 3 sa mga lalawigan ng La Union at Pangasinan.

Signal number 2 naman ang nakataas sa mga lalawigan ng Abra,Ilocos Sur, Ifugao, Benguet, Mountain Province, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales.

Nananatili naman sa signal number 1 ang mga lalawigan ng Apayao, Kalinga, Cagayan, Isabela, Quirino, Aurora, Bulacan, Pampanga, Bataan, Rizal, Cavite, Laguna at Metro Manila.

Sinabi ng Pagasa na inaasahang gaganda na ang panahon sa kabuuan ng Luzon sa araw ng Undas.

TAGS: La Union, Luzon, Pagasa, pangasinan, Rosita, yutu, La Union, Luzon, Pagasa, pangasinan, Rosita, yutu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.