Security seminar para sa media personnel sinimulan na ng Malacañang

By Chona Yu October 30, 2018 - 05:26 PM

Inquirer file photo

Sinimulan na ng Presidential Task Force on Media Security ang pag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa para paalalahanan ang mga kagawad ng media na maiwasan ang karahasan ngayong papalapit na ang eleksyon.

Sa pulong balitaan sa Malacañang ay sinabi ni Usec. Joel Egco ng Presidential Task Force on Media Security na inuna na ng kanilang hanay ang mga mediamen sa Maguindanao.

Ayon kay Egco, sumalang na sa seminar ang mga taga- Maguindanao para maging ligtas sa panahon ng election coverage.

Magugunitang noong Nobyembre, 2009 nang patayin ang mahigit limampung mamahayag sa Maguindanao habang nagko- cover sa isang kandidato sa lokal na posisyon.

Gayunman, nilinaw ni Egco na hindi kasama sa bibigyang proteksyon ng task force ang mga kotongerong media personnel.

Sa datos aniya ng Presidential Task Force on Media Security, aabot sa 40 ang namatay na media workers sa loob ng sampung taon, kabilang na ang mga napaslang sa Maguindanao massacre.

TAGS: joel sy egco, maguindanao, Malacañang, media security, joel sy egco, maguindanao, Malacañang, media security

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.