9 sugatan sa pagbagsak ng PAF chopper sa Sarangani

November 07, 2015 - 02:37 PM

Sarangani
Inquirer file photo

Siyam na mga sundalo ng Philippine Air Force ang sugatan makaraang mag-crash-land ang sinasakyan nilang UH-1D military chopper sa Sitio Lamsalo Barangay Upper Suyan Malapatan Sarangani.

Sa report ni Capt. Alberto Caber, spokesperson ng Armed Forces of the Philippines Eastern Mindanao Command, malakas na hangin umano ang dahilan kaya biglang nag-crash-land ang nasabing chopper.

Sinasabi rin sa ulat na galing sa isang casualty evacuation mission ang PAF chopper nang tamaan ito ng malakas na ihip ng hangin dahilan upang mawalan ng kontrol ang piloto na kasama sa mga nasaktan.

Kaagad na nagpadala ng isa pang military chopper ang AFP sa lugar para kunin ang mga sugatan na ngayo’y ginagamot na sa hindi binanggit na ospital.

 

TAGS: AFP, chopper crash, PAF, Sarangani, AFP, chopper crash, PAF, Sarangani

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.