Isabela zero casualty sa pagdaan ng Bagyong Rosita
Nakapagtala ng zero casualty ang lalawigan ng Isabela sa pananalasa ng Bagyong Rosita.
Ayon kay Isabela Gov. Faustino “Bojie” Dy, walang naitalang namatay o malubhang nasugatan sa kanilang lugar dulot ng bagyo.
Bukod dito, wala rin naman anyang nawawala dahil sa bagyo.
Samantala, isolated na ngayon ang bayan ng Dinapigue kung saan nag-landfall ang bagyong Rosita matapos magkaroon ng mga landslide.
Putol na rin ang linya ng komunikasyon sa lugar.
Ang katabing bayan ng Palanan ay kagabi pa namang walang signal ng cellphone.
Lubhang apektado ng bagyo ang mga bayan ng Dinapigue, Palanan, Divinican, Maconacon, San Agustin, Jones, Echague, San Guillermo, Angadangan at Lungsod ng Santiago.
Nakahanda na rin ang local government sa pagbibigay ng ayuda sa mga binagyong lugar oras na maging maayos ang mga daan papunta sa ilang mga lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.