Maaring magsimula na sa kalagitnaan ng buwan ng Nobyembre si Senador Gringo Honasan sa kanyang bagong trabaho bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ayon sa isang source sa Malacañang, sa susunod na buwan posibleng ilabas na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment paper ni Honasan.
Papalitan ni Honasan si DICT officer-in-charge Eliseo Rio.
Matatapos ang termino ni Honasan bilang senador sa July, 2019.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang makapili na ang DICT ng third telco player sa unang quarter ng 2018 subalit hanggang ngayon ay hindi pa ito nagagawa ng kagawaran.
Banta pa noon ng pangulo, kapag sumapit na ang Nobyembre at wala pang napipili ang DICT ay magpapatupad siya ng takeover sa selection process para sa third telco player.
Nais kasi ng pangulo na mabuwag ang duopoly ng Globe at Smart telecommunications dahil sa hindi maayos na serbisyo.