Cong. Karlo Nograles ikinukunsidera bilang susunod na cabinet secretary

By Chona Yu October 30, 2018 - 12:41 PM

Kinumpirma ng Malakanyang na ikinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte si Davao City Congressman Karlo Alexie Nograles na maging susunod na cabinet secretary.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas makabubuti na hintayin na lamang ang pag-aanunsyo ng pangulo sa bagong cabinet secretary na dating pinamumunuan ni Leoncio Evasco.

Si Evasco ay tatakbong gobernador ng Bohol.

Dagdag ni Panelo, maaring gawin ng pangulo ang anunsyo ng mga bagong miyembro ng gabinete pagkatapos ng paggunita sa Undas.

Bukod sa CabSec, maaring ianunsyo na rin ng pangulo ang iba pang mga bagong appointee na papalit sa mga dating opisyal na nagbitiw sa puwesto dahil sa pagsabak sa 2019 elections.

Bakante na rin ngayon ang puwesto ni dating Political Affairs Adviser Francis Tolentino na tatakbong senador.

Samantala ayon sa isang source sa Malakanyang si Nograles na talaga ang napili ng pangulo na bagopng CabSec at sa susunod na linggo ito manunumpa sa pwesto.

TAGS: cabinet secretary, Karlo Nograles, cabinet secretary, Karlo Nograles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.