Bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan, nadagdagan pa
Nadagdagan pa ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan dahil sa bagyong Rosita.
Sa datos ng Philippine Coast Guard, umabot na sa 2,126 ang kabuuang bilang ng mga stranded na pasahero.
Pinakamarami sa Verde Island Port sa Batangas na mayroong 1,518 na pasaherong stranded.
Sa Lucena Port mayroong 240 na pasaherong stranded at 230 naman ang stranded sa Pasacao Port sa Camarines Sur.
Maliban sa nabanggit na mga pantalan, mayroon ding mga stranded na pasahero sa Tingloy Port sa Batangas, Odiongan Port sa Romblon, Infanta at Polilio Port sa Northern Quezon, Caticlan Jetty Port sa Aklan, Culasi Port sa Capiz at Veterance Port sa Cagayan.
Mayroon ding 157 na rolling cargoes at 11 barko ang stranded sa mga pantalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.