Mahigit 3,000 katao inilakas sa Cagayan

Mahigit 3,000 indibidwal ang inilikas sa lalawigan ng Cagayan dahil sa bagyong Rosita.

Ayon sa datos mula sa Cagayan Provincial Information Office, 3,316 ang kabuuang bilang ng mga inilikas o nasa 888 na mga pamilya.

Wala pa namang naitatalang pagbaha at sa lalawigan at bagaman lumaki na ang Cagayan River, nananatili namang passable ang lahat ng kalsada sa lalawigan.

Maayos pa rin ang network signal sa Southern at Northern Cagayan.

Sa ngayon walang suplay ng kuryente ang buong lalawigan ng Cagayan, pero ginagawan na ng paraan ng NGCP upang maibalik ito sa normal.

Read more...