Typhoon Rosita napanatili ang lakas; mga lugar na nasa ilalim ng signal #3 nabawasan na

By Dona Dominguez-Cargullo October 30, 2018 - 11:20 AM

Nasa bisinidad na ng Bambang, Nueva Vizcaya ang bagyong Rosita at patungo na ng Benguet.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras at naging West Southwest na ang direksyon nito.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 230 kilometers bawat oras.

Nakataas pa rin ang public storm warning signals sa sumusunod na lugar:

SIGNAL NUMBER 3
Ifugao
Nueva Vizcaya
Benguet
Mountain Province
Ilocos Sur
Pangasinan
La Union

SIGNAL NUMBER 2
Cagayan
Isabela
Quirino
Aurora
Ilocos Norte
Apayao
Abra
Kalinga
Nueva Ecija
Tarlac
Zambales
Pampanga

SIGNAL NUMBER 1
Babuyan group of Islands
Bulacan
Northern Quezon kasama ang Polillo Island
Bataan
Rizal
Metro Manila
Cavite
Laguna
Batangas

Ayon sa PAGASA, dadaanan ng bagyo ang Benguet, La Union at Pangasinan.

Lalabas ito ng bansa bukas ng gabi, araw ng Miyerkules.

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, Rosita, weather, Pagasa, Radyo Inquirer, Rosita, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.