1 patay makaraang makuryente sa Tarlac sa kasagsagan ng bagyong Rosita

By Dona Dominguez-Cargullo October 30, 2018 - 11:04 AM

Isang ang nasawi sa lalawigan ng Tarlac makaraang makuryente sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Rosita.

Ayon kay Engineer Genesis Santiago ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng bayan ng San Clemente, tinutulungan ng biktima ang isang lalaki na natumba ang motorsiklo.

Mayroon ding natumbang poste sa lugar na naging dahilan ng pagkaka-kuryente ng biktima.

Nangyari ang insidente alas 5:00 ng umaga ng Martes habang nararanasan sa bayan ang malakas na hangin dulot ng bagyo.

Malubha namang nasugatan ang motorcycle rider at ngayon ay kritikal ang kondisyon sa ospital.

TAGS: Radyo Inquirer, San Clemente, Tarlac, Radyo Inquirer, San Clemente, Tarlac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.