Hirit na suspindihin ang dagdag pamasahe sa jeep at bus ibinasura ng LTFRB

By Dona Dominguez-Cargullo October 30, 2018 - 10:51 AM

Ibinasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mosyon na humihiling na ipatigil ang pagpapatupad ng dagdag na pamasahe sa bus at jeep.

Ang nasabing mosyon ay inihain ng isang commuter at inihirit sa LTFRB na huwag na lang munang ipatupad ang utos nito sa pagtataas ng pamasahe sa jeep at bus dahil dagdag pahirap ito sa publiko.

Ayon sa desisyon ng LTFRB, walang naipresentang bagong isyu sa mosyon ni Rodolfo Javellana para paburan ang suspensyon ng kautusan.

Sinabi ng LTFRB na noong isinagawa ang pagdinig para sa hirit na dagdag pamasahe ay well represented ang commuter sector at nadinig na ang kanilang panig.

Magugunitang inaprubahan ng LTFRB ang dagdag na pamasahe sa jeep at mula sa susunod na buwan ay magiging P10 na ang minimum na pamashe,

Inaprubahan din ang dagdag sa minimum na pamasahe sa mga pampasaherong bus.

 

TAGS: bus, fare hike, Jeep, ltfrb, bus, fare hike, Jeep, ltfrb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.