Bagong BOC Commissioner Guerrero, mabilis lang matututunan ang pasikot-sikot sa ahensya – Malakanyang
Binuweltahan ng Malakanyang ang mga kritiko na kumukwestyun sa kakayahan ni bagong Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kapag matalino ang isang tao gaya ni Guerrero, tiyak na isang linggo lamang ang guguling panahon para malaman ang mga pasikot-sikot sa BOC.
Katunayan, sinabi pa ni Panelo na masyado nang mahaba ang isang linggo.
Paliwanag pa ni Panelo, pawang administrative work lang naman ang gagawin sa BOC.
“I don’t think it will take time to learn the ropes of the game in any particular bureau. I think one week would be long to learn what you should be doing there. It’s administrative work, so all you need is, if you’re intelligent enough, you will learn fast, “ Ani Panelo.
Matatandaang itinalaga ng pangulo si Guerrero kapalit ni dating Customs Commissioner Isidro Lapeña.
Tinanggal ng pangulo si Lapeña at saka inilipat sa TESDA sa gitna ng isyu ng pagkakapuslit ng P6.8 bilyon na halaga ng shabu shipment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.