Katawan ng mga nasawi sa bumagsak na eroplano ng Lion Air isa-isa nang nakukuha ng mga otoridad
Isa-isa nang nare-retrieve ng mga otoridad ang mga nasawi sa bumagsak na eroplano ng Lion Air.
Ayon sa mga otoridad mula Indonesia, wala nang posibilidad na may nakaligtas sa 189 na sakay ng eroplano.
Ang naturang eroplano ng Lion Air ay dalawang buwan pa lamang na nag-ooperate.
Ayon kay air transport official Novie Riyanto, nabigyan ng clearance ang eroplano para bumalik sa Jakarta Airport makaraang makatanggap sila ng “return to base” request mula sa piloto nito, tatlong minuto matapos ang take off.
Gayunman, hindi na ito nakabalik hanggang sa tuluyan na ngang mawalan ng contact dito.
Kaugnay nito, ipinag-utos na Indonesian President Joko Widodo ang imbestigasyon sa insidente.
Hiniling din nito sa mga mamamayan na ipagdasal ang mga nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.