Ilang bangko sa NCR limitado ang serbisyo sa panahon ng APEC summit

By Den Macaranas November 07, 2015 - 11:42 AM

Bangko_Sentral_ng_Pilipinas_20121951238361
Inquirer file photo

Naglabas ng advisory ang bangko Sentral ng Pilipinas kung saan ay kanilang inaatasan ang lahat ng mga bangko sa bansa na tiyaking may sapat na cash ang kanila-kanilang mga ATM mula November 15 hanggag 20.

Sa nasabing panahon kasi ang inaasahang pagdating at pag-alis ng karamihan sa mga delegado para sa gaganaping Asia Pacific economic Cooperation summit sa bansa.

Mananati namang bukas ang Philippine Clearing House para sa pagtanggap ng mga tseke sa nasabing mga petsa maliban na lamang sa idineklara ni Pangulong Noynoy Aquino na mga araw na walang pasok mula November 18 hanggang 19.

Sinabi ng BSP na nagbigay na rin ng advisory sa kanila ang ilang mga bangko na pansamantala munang kanselado ang kani-kanilang mga foreign exchange transactions o palitan ng pera mula November 17 hanggang 20.

May ilang mga bangko naman dito sa Metro Manila ang nagpa-sabi na mananatili silang bukas sa November 18 hanggang 19 kahit na idineklara ang nasabing mga araw bilang non-working holidays ng pamahalaan.

TAGS: apec, Bangko Sentral ng Pilipinas, Metro Manila, apec, Bangko Sentral ng Pilipinas, Metro Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.