Mga modernong jeep hindi mukhang jeep ayon sa Piston

By Jong Manlapaz October 30, 2018 - 02:56 AM

Sinalubong ng protesta ang launching activity ng grupong Pasang Masda para sa PUV modernization program ng pamahalaan sa Welcome Rotonda sa Quezon City.

Habang pinapakita sa mamahayag ang mga bagong modernong jeepney, umalingawngaw naman ang pagtutol ng grupong Piston sa nasabing programa.

Ayon kay Conrad Almazora na gawang Pinoy ang kaha ng mga bagong pampasaherong jeepney.

Pero hindi naman ito nagustuhan ng Piston dahil hindi umano mukhang jeep ang binibida ng grupong Pasang Masda ni Obet Martin.

Kaugnay nito, hinirit rin ng grupong Piston na tuluyan nang ibasura ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law para bumaba ang presyo ng krudo, na magreresulta rin ng pagbabalik sa P8 ng pamasahe sa jeep.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.