Bagong batas sa hazing masusubok sa PNPA sex scandal — Sen. Lacson
Sinabi ni Senador Ping Lacson na ang mga kadete ng Philippine National Police (PNP) Academy ang posibleng maging kauna-unahang mahahatulan ng Republic Act 11053 o ang bagong Anti-Hazing Act of 2018.
Ayon kay Lacson, masusubukan ang bagong batas sa panibagong iskandalo sa PNPA.
Sinabi ni Lacson ang diumano’y pagpupumilit ng senior cadets sa dalawang bagong kadete na mag-oral sex bilang parusa ay maituturing ng isang uri ng hazing sa ilalim ng bagong batas.
Magugunita na si Lacson ang nagtulak sa bagong batas matapos ang pagkakapatay kay University of Santo Tomas law student Atio Castillo sa isang fraternity hazing.
Sa batas, itinuturing ng hazing ang physical or psychological suffering, hindi lang ang pananakit sa mga nais pumasok sa isang organisasyon o samahan.
Pagdidiin pa ng senador, itinuturing nang karumaldumal na krimen ang hazing at ang lalabag ay maaaring maharap sa habambuhay na pagkakakulong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.