2,000 pasahero stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong Rosita
By Justinne Punsalang October 30, 2018 - 02:57 AM
Nasa 2,000 mga pasahero na ang stranded sa ilang mga pantalan dahil sa pananalasa ng bagyong Rosita.
Batay sa datos mula sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 1,500 mga pasahero ang stranded ngayon sa Verde Island sa Batangas.
Habang may 500 iba pang pasahero ang stranded din sa ibang port sa Batangas.
Samantala, sa Port of Lucena, nasa 270 ang hindi makapunta sa kanilang mga destinasyon. May iilan namang mga pasahero ang stranded din sa Pasacao Port, Polollo Port, at Calapan Port.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.